Sa mata ng isang boss, may isang dosenang klase lang ng empleyado…
CLOWNS - ang official kenkoy ng office. May mgaone-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang boss, eto raw yung mga KSP sa office na dahil hindinaman matalino, o kadalasang matalino na tamad lang, eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang opisinang walang ganito, at kung meron man, magigigng malaking sakripisyo ang pagpasok sa work araw-araw
GEEKS - mga taong walang pakialam sa mundo. Papel, boss, at computer lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng boss at bad trip, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa boss at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng entry kungisa-substitute ang value ng debit sa credit.
HOLLOW MAN - may 2 uri ng H.M. virus, ang Type A atType B. Ang type A ay ang empleyado na madalas na invisible sa office, bakante ang upuan, madalas absent. Ang type B naman ang pumapasok sa office bagamat present eh inivisible naman ang work, at hollow ang utak.
SPICE GIRLS - barkadahan ng mga magkaka-ibigang babae mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok. Madalas na may hawak na hairbrush at songhits [how jologs!-uso pa ba to?]. Pag pinagawan mo ng group works, sila ang madalas na magkaka-grupo.
DA GWAPINGS - ang male counterpart ng Spice Girls,isinilang para magpa-cute. Konti lang ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng Spice Girls, kadalasang puro Hair Gel lang ang laman ng utak ng mga Da Gwapings.
CELEBRITIES - Politicians, Athletes, Performers. Politician ang mga palaban na empleyado na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng kompanya at mga kapwa empleyado kesa sa performance. Athletes ang ilang ‘varsitarians’ na kung gaano kabilis pumasok eh ganon kabagal mag-work. Performers naman ang mga empleyado na kaya lang yata pumapasok eh paramakasayaw, kumanta, at makatula sa stage kapag organizational day. Sa pangkalahatan, ang mga celebs ay matindi ang PR, pero mababa ang IQ.
GUINNESS - mga record holders pagdating sa persistence.Pilit pinupunan ang mga kakulangan sa katalinuhan. Sila ang mga kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa work. Mabilis mag-work, kahit na laging mali. (hahaha) LEATHER GOODS - mga empleyadong maling uri ng determinasyon meron. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangungupit, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa boss. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.
WEIRDOS - mga problematic employee, misunderstood daw,kadalasang tinatawag na black sheep ng office. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang evaluation, at boss’s enemy.
MGA ANAK NI RIZAL - Ang mga Endangered Species kumbaga. Straight ‘A’ employees pero well rounded at hindi geeks. Boss’s pet pero hindi sipsip.Busy sa work pero may oras pa rin sa extra-curricular activities, at gimiks.. Hanep!
BOB ONGS - Mga medjo matino na may sayad…
COMMONERS - mga generic na member ng class. Kulang sa individuality, at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng boss pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga boss at co-employees nila.
Ikaw, san ka kabilang?
No comments:
Post a Comment